WebClick Tracer

Registration ng senior citizens, matumal – NCSC

Mababa pa rin ang resulta ng registration ng mga senior citizen sa bansa.

Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni National Commission of Senior Citizens (NCSC) Chairman Atty. Franklin Quijano sa layunin ng komisyon na magkaroon ng data base sa lahat ng senior citizen sa Pilipinas.

Ayon kay Quijano, sa ngayon ay nasa 2.6 million pa lamang ang nakapagparehistrong senior citizens mula sa mahigit siyam na milyong populasyon ng senior citizens sa bansa sa huling census.

Target ng komisyon aniya na maabot ang 100% registration sa pagtatapos ng 2023 kaya hinikayat ang mga nakakatanda na mag-online registration upang magkaroon ng database para sa kanilang sektor.

Well, sa ngayon we are really happy to inform you na ang nag-register ay lampas na ng 2.6 million. So we dream and hope na by December of this year ay maabot natin ang almost 100% ng senior citizen na mag-o-online,” ani Quijano.

Binigyang-diin ng opisyal ang importansya ng pagkakaroon ng database para sa mga senior citizen upang ito ang magiging basehan ng gobyerno sa paggawa ng mga mahahalagang desisyon sa kanilang sektor.

Batay sa pagtaya ni Quijano, nasa 11-12 million na ang senior citizens ngayon sa bansa kaya mahalagang maparehistro ang mga ito para mabigyan ng benepisyo mula sa gobyerno, lalo na ang mga nasa pinaka-mahihirap na sektor. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

‘Mga senior citizen hayaang bumili ng basic needs’

TELETABLOID

Follow Abante News on