WebClick Tracer

Pura Luka Vega sinampahan ng kaso ng Hijos del Nazareno-Central

Nagsampa ng reklamo ang Hijos del Nazareno-Central laban kay Pura Luka Vega.

Ang mga kasong isinampa ng Hijos del Nazareno-Central kay Vega ay ang paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code o ang Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows at ang Republic Act 10175 o Cyber Crime Prevention Act.

Nilinaw naman ng Hijos del Nazareno-Central na handa silang i-atras ang mga isinampa nilang kaso kung makikitaan ng sinseridad o paghingi ng tawad si Vega.

Matatandaang idineklara ng persona non grata si Vega sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa paggaya nito kay Jesus Christ sa isang party at paggamit ng dasal na ‘Ama Namin’.

(CS)

See Related Story Here:

Pura Luka Vega hindi na rin welcome sa Cebu City

TELETABLOID

Follow Abante News on