WebClick Tracer

PBBM nanawagan para sa kapayapaan sa Korean Peninsula

May pangangailangang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Korean Peninsula sa harap ng pagkaaliw ng North Korea na maglunsad ng missile tests.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang pulong ni Komeito Party Chief Representative Yamaguchi Natsuo ng Japan sa Malacañang nitong Miyerkoles.

Ayon sa Pangulo, nakakabahala ang mga ikinikilos ng North Korea kaya dapat magtulungan ang lahat ng mga bansa sa Asya upang mapahupa ang tensyon dahil sa posibleng epekto nito sa mga mamamayan.

“We consider it a critical issue that, really, we in the region must work together very, very hard to try to alleviate the tensions, try to make all the proponents of peace in the region be the dominant voice,” saad ng Pangulo.

Naging sunod-sunod ang missile test ng North Korea nitong nakalipas na mga buwan kaya naging alerto ang Japan sa posibleng pinsalang idulot ng pagpapalipad ng missile.

Dalawa sa pinalipad na missile ng NoKor nitong Hulyo ay bumagsak sa labas ng exclusive economic zone ng Japan at umani ng pagkundena mula sa Amerika at South Korea. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Mataas na opisyal ng Japan nakipagkita kay PBBM sa Malacañang

TELETABLOID

Follow Abante News on