WebClick Tracer

Pagpapalakas sa relasyon, pagtutulungan ng Pilipinas, Iran tiniyak ng bagong Ambassador

Mas palalakasin pa ang pagkakaibigan at magandang relasyon at magtutulungan para sa magandang kinabukasan ang Iran at Pilipinas.

Ito ang tiniyak ni bagong Iran Ambassador Designate Yousef Esmaeil Zadeh kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang presentation of credentials sa Malacañang nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Zadeh, gagawin niya ang kaniyang makakaya upang magpatuloy ang magandang ugnayan ng kaniyang bansa at Pilipinas.

Mainit namang tinanggap ng Pangulo ng bagong Iranian Ambassador at umaasang lalong iigting ang matagal ng relasyon ng Pilipinas at Iran.

Nakatakdang ipagdiwang ng dalawang bansa ang ika-60 na anniversary ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko sa susunod na taon. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Ylona Garcia proud sa pag-awit ng ‘Lupang Hinirang’ sa MLB!

TELETABLOID

Follow Abante News on