WebClick Tracer

NUP kumbinsido sa ebidensya na dapat masibak si Teves

Kumbinsido ang National Unity Party (NUP) na malakas ang ebidensya laban kay Arnolfo Teves kaya suportado nito ang desisyon ng Kamara de Representantes na ito ay sibakin.

Sa isang pahayag na inilabas ni NUP president at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, iginiit ng partido ang kahalagahan na maproteksyunan ang imahe ng Kamara.

“The credibility, honor and effectiveness of our House of Representatives hinge on the utmost integrity, transparency, and commitment of its Members. As representatives of the Filipino people, our primary duty as lawmakers is to uphold our oath, serve our constituents, and perform our law-making tasks that advance the nation’s well-being,” sabi sa pahayag.

Ayon sa NUP, ang paghingi ng political asylum ni Teves sa ibang bansa ng walang konkretong dahilan at ang kaniyang pag-abandona sa kaniyang trabaho bilang taga-gawa ng batas ng bansa ay naglalagay umano sa balag ng alanganing sa kaniyang mga kinakatawan.

“The evidence presented against Rep. Teves is strong and deeply concerning,” sabi pa sa pahayag. “Moreover, the tarnish on our institution’s reputation wrought by the designation of its member as a ‘terrorist’ demands immediate and decisive action.”

“For the benefit of our nation, its institutions, and the democratic principles we uphold, we assert our full support for the expulsion of Rep. Teves,” dagdag pa ng partido.

Pinuri rin ng NUP ang House Committee on Ethics and Privileges sa kanilang isinagawang imbestigasyon at ang kanilang pagtayo para maprotektahan ang integridad ng Kamara. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Kapartido ni Teves naniniwala na naging patas ang Kamara

TELETABLOID

Follow Abante News on