WebClick Tracer

Neri Miranda pinayuhan mga babae na huwag umasa sa pera ng asawa

Pinayuhan ng misis ni Chito Miranda ang kababaihan na huwag maging financially dependent sa asawa.

Ani Neri Naig-Miranda, mahalaga na may sariling pera at ipon ang mga babae sakali mang mangaliwa si mister.

“Just in case may mangyari, huwag naman sana, magloko si mister, at least hindi ‘yung mahihirapan kang bumangon uli,” saad ni Neri sa panayam ni Jessica Soho.

Nakilala si Neri nang sumali sa Star Circle Quest, isang reality show ng ABS-CBN, habang si Chito naman ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar. (IS)

See Related Story Here:

Neri Miranda umaariba sa negosyo: ‘Manager na ako!’

TELETABLOID

Follow Abante News on