WebClick Tracer

Nawawalang Bilibid inmate, nadakma sa Rizal

Nadakip na ang maximum security inmate na iniulat na nawawala noong Hulyo.

Nahuli ang inmate na si Michael Cataroja ng mga miyembro ng Angono Police.

Matatandaang humingi ng tulong ang New Bilibid Prison sa K9 unit ng Philippine Coast Guard upang siyasatin ang may sampung ektaryang kulungan, na nagdala sa kanila sa isang septic tank kung saan nakakuha ng buto, na unang pinaniwalaang kay Cataroja.

Dinala ang buto sa National Bureau of Investigation, na siyang nagsabi na hindi mula sa buto ng tao ang nakuha sa septic tank.

Inutos na ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang imbestigasyon kung paanong nakatakas si Cataroja.

TELETABLOID

Follow Abante News on