WebClick Tracer

Lawak ng sinakop na lugar ng China sa WPS, secret pa

Nangako si Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na hihingi ito ng security clearance upang maibigay sa mga kongresista ang detalye kaugnay ng lawak ng lugar sa West Philippine Sea (WPS) na iligal na inookupa ng China.

Sa deliberasyon ng budget, nagtanong si Albay Rep. Edcel Lagman kung mayroong datos ang National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) kaugnay ng lugar na inookupa ng China.

Kinumpirma ni DENR Undersecretary Ana Teh na mayroong datos ang NAMRIA at ito ang ginagamit ng National Task Force on the West Philippine Sea.

Sunod na tanong ni Lagman ay kung ano ang kabuuang lawak ng lugar na ito.

Dito na hiniling ni Yulo-Loyzaga sa komite na magsagawa ng executive session upang matugunan ang tanong.

“If you have the data, why do we need to have an executive session? Kindly disclose the data now, because we are claiming that China has occupied so much of the territory awarded to the Philippines,” sabi naman ni Lagman.

Sagot naman ni Yulo-Loyzaga, “As advised by our representative on the Task Force West Philippine Sea, we do need clearance from the National Security Council in order for us to release this data.”

Hiniling ni Lagman kay Yulo-Loyzaga na kumuha ng kinakailangang clearance sa National Security Council upang maisumite sa komite ang mga hinihingi nitong dokumento.

Positibo naman ang naging tugon dito ng kalihim ng DENR. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on