WebClick Tracer

Kristaps Porzingis absent sa FIBA World Cup

Hindi makakasama ng Team Latvia ang big man na si Kristaps Porzingis para sa paparating na FIBA World Cup.

Kamakailan lang ay inanunsyo nito na pass muna siya sa nasabing torneyo dahil sa foot injury.

Noong nakaraang season para sa Washington Wizards, ang big man ay may average na 23.2 puntos, 8.4 rebounds, 2.7 assists at 1.5 blocks. Noong World Cup qualifiers naman, may average ito na 25.5 puntos at 14 rebounds.

Sa kasalukuyan, si Porzingis ay maglalaro na para sa Boston Celtics. Nalipat ito sa Celtics matapos ang isang trade.

Ang FIBA World Cup ay gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10. (CS)

See Related Story Here:

Kristaps Porzingis pinasalamatan ang Wizards

TELETABLOID

Follow Abante News on