WebClick Tracer

Kaayusan sa Asya, buong mundo dapat umiral ng naaayon sa UN Charter

Nakakuha ng kakampi ang Pilipinas sa Germany sa hangarin na umiral ang kaayusan hindi lamang sa rehiyong Asya kundi sa buong mundo.

Ayon kay German Ambassador Designate Andreas Michael Pfaffernoschke, sumusuporta ang kanilang gobyerno sa pagsusulong ng pagdaigdigang kaayusan at kapayapaan ng naaayon sa prinsipyo ng United Nations (UN) Charter).

Wala aniyang bansang may gusto ng kaguluhan kaya suportado ng Germany ang mga hakbang sa pagpapanatili ng kaayusan sa buong mundo.

Ang Pilipinas ay mayroong kinakaharap na gusot sa China sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea sa kabila ng paborableng desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands sa Pilipinas.

Hindi kinikilala ng China ang nabanggit na desisyon kaya patuloy ang mga aktibidad ng China Coast Guard sa WPS at panggigipit at pangha-harass sa mga barko ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Pilipinas. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Economic cooperation paiigtingin sa pagitan ng Pilipinas, Germany

TELETABLOID

Follow Abante News on