WebClick Tracer

Jamal Murray umatras, iniwanan ang Team Canada

Ilang araw bago magsimula ang FIBA World Cup, nabawasan ng bala ang Team Canada matapos umatras ni Jamal Murray.

Ayon kay Murray, kailangan pa umano niya ng “additional recovery” dahilan upang ito ay hindi na maglaro para sa paparating na torneyo.

“In consultation with medical staff and the team, it is clear that additional recovery is required, and I have made the difficult decision to not participate in the tournament.”

Sinabi naman ni Murray na susuportahan pa rin niya ang nasabing koponan.

“It’s still a dream of mine to represent Canada at the Olympics, and I will support the team every step of the way as they pursue this goal.”

Ang FIBA World Cup ay gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10. (CS)

See Related Story Here:

Nikola Jokic binalibag si Jamal Murray sa pool

TELETABLOID

Follow Abante News on