WebClick Tracer

Gilas target maka-2 panalo sa FIBA World Cup

Target ng Gilas Pilipinas na makasungkit ng dalawang panalo sa 2023 FIBA World Cup.

Ani Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio, plano nilang higitan ang naitalang isang panalo sa 2014 World Cup at bokyang kampanya sa 2019 edition nito.

Dagdag pa niya, lalakas ang tsansa ng Gilas na makasama sa Paris Olympics kung makakakuha ng dalawang panalo.

“First of all, we haven’t hosted the World Cup ever since 1978. It’s even much longer since we’ve been in the Olympics. It’s been a while and I think the aspirations for us is we wanna be the best Asian team,” lahad ni Panlilio sa Philippine Sportswriters Association Forum.

“I hope we can win at least two games so we can have our best World Cup,” dagdag pa niya. (IS)

See Related Story Here:

Jordan Clarkson present sa practice ng Gilas Pilipinas

TELETABLOID

Follow Abante News on