WebClick Tracer

Expulsion notice naipadala na sa tanggapan ni Teves

Opisyal nang naipadala ang expulsion notice sa tanggapan ni Arnolfo Teves Jr., na sinibak bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Negros Oriental.

Ito ang sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco isang araw matapos katigan ng Kamara de Representantes ang rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges na tanggalin si Teves kaugnay ng mga naging aksyon nito kasama na ang hindi pag-uwi sa bansa kahit expired na ang travel authority nito.

“This is the implementation of the decision of the plenary,” sabi ni Velasco.

Sinabi ni Velasco na wala pang desisyon ang liderato ng Kamara kung sino ang magsisilbing caretaker ng distrito ni Teves upang matiyak na hindi mapapabayaan ang mga constituent nito.

Ipinarating na rin umano ng Kamara ang naging desisyon nito sa Commission on Elections (Comelec).

Nang tanungin kung magsasagawa ng special election para sa magiging kapalit ni Teves, sinabi ni Velasco na “parang mahirap na yung special elections eh because of the time constraints. The Comelec is busy preparing for the Barangay and SK elections next October tapos after the BSKE they have to prepare for the 2025 elections, the whole year of 2024 busy ang Comelec dun sa preparation sa 2025 elections. So parang wala ng time and resources yung Comelec to have this special election, but we do not want to preempt the Comelec on that. We will have to wait.”

“We will be awaiting their response whether they will call for a special election or they will just leave it at that,” dagdag pa ni Velasco. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on