WebClick Tracer

Ejercito: Locsin ‘fit’ bilang special envoy sa China

Nagpahayag ng suporta si Senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito sa appointment ni dating Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin Jr. bilang Special Envoy of the President to the People’s Republic of China for Special Concerns.

Ayon kay Ejercito, hindi matatawaran ang track record ni Lacson bilang isang seasoned diplomat, legal expert at accomplished legislator.

“Given his experience as Department of Foreign Affairs secretary, lawyer and former legislator, I’m sure Ambassador Teddy Locsin could be the best one for the job as special envoy for special concerns,” sabi ni Ejercito sa isang statement.

Dagdag pa ng mambabatas mula sa San Juan, si Locsin ang pinaka-fit na kandidato para sa naturang papel dahil kilala siya bilang “troubleshooter” noong panahon niya sa DFA.

Si Locsin ay dating nagsilbi bilang Secretary of Foreign Affairs sa ilalim ng Duterte administration mula 2018 hanggang 2022. Siya rin ay naging miyembro House of Representatives mula 2001 hanggang 2010 bilang kinatawan ng unang Distrito lungsod ng Makati.

“It is also a good timing as it is still important to keep lines open in the midst of the West Philippine Sea conflict,” ayon kay Ejercito. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Locsin ginawang special envoy sa China

TELETABLOID

Follow Abante News on