WebClick Tracer

Economic cooperation paiigtingin sa pagitan ng Pilipinas, Germany

Aasahan ang mas pinaigting na kooperasyon sa ekonomiya, kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at Germany.

Ito ang ipinaabot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ni Ambassador Designate Andreas Michael Pfaffernoschke ng Federal Republic of Germany matapos ipresenta ang kaniyang credentials sa Malacañang nitong Huwebes.

Ipinaabot ni Pfaffernoschke ang intensyon ng kaniyang gobyerno na makipagtulungan sa Pilipinas sa lahat ng aspeto, partikular na sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan at economic cooperation.

Makikipagtulungan din aniya ang Germany sa pagsisikap ng Pilipinas na matugunan ang epekto ng climate change na nararanasan ngayon sa buong mundo.

Ikinalugod naman ito ni Pangulong Marcos Jr. at kumpiyansang mas mapapaigting pa ang ugnayan at relasyon ng Pilipinas at Germany dahil pareho ang prayoridad para sa ekonomiya at pagsusulong ng mga hakbang upang mapagaan ang epekto ng climate change.

Naniwala ang Pangulo na malaki ang potensyal ng Germany, hindi lamang sa aspeto ng kalakalan at ekonomiya kundi pati na rin sa muling pagpapalakas sa diplomasya at people-to-people relations. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

GCash magagamit na sa UK, France, Germany, Italy

TELETABLOID

Follow Abante News on