WebClick Tracer

Donaire nakuha ang Filipino citizenship

Dual citizen na si “The Filipino Flash” Nonito Donaire Jr.

Kasunod ito ng panunumpa niya sa Philippine Consulate General sa San Francisco noong August 14, 2023, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sa kanyang Oath of Allegiance, sinamahan siya ng kanyang asawang si Rachel at dalawang anak na lalaki.

Naging dual citizen din ang dalawa niyang anak na lalaki bilang kanyang derivatives.

Isang Filipino-American professional boxer si Donaire.

Isinilang siya sa Talibon, Bohol at ikatlo sa apat na anak nina Nonito Donaire, Sr. at Imelda Gonzales.

Nakuha niya ang American citizenship sa ilalim ng prinsipyo ng jus Sanguinis dahil ipinanganak ang lolo niya sa ama sa Hawaii.

“I am very proud and whole now that I have my Philippine citizenship. Being Bohol-born, for years I have tried to get my citizenship but I was always missing a paper. With my mom’s help, I was able to complete my package of requirements for me to get my Philippine citizenship here at the Philippine Consulate in San Francisco. Aside from being able to give pride to my roots, my citizenship will allow me to stay in the Philippines longer and create change and growth for Filipinos through economical sociological and environmental projects through action,” pahayag ng boksingero. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on