WebClick Tracer

DILG pinahihigpitan sa BFP pagkuha ng mga volunteer

Ipinag-utos ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa Bureau of Fire Protection (BFP) na magkaroon ng istriktong accreditation process sa pagkuha ng mga volunteer firefighter at fire truck driver.

Ito’y matapos mamatay ang isang senior citizen habang walo pa ang sugatan makaraan silang araruhin ng isang fire truck sa Tondo, Maynila noong Agosto 14.

Para kay Abalos, dapat pumasa sa drug test at neuropsychiatric exams ang mga fire truck driver.

“Ang sabi ko kay chief ay i-review nang maayos ang present guidelines sa accreditation, lalo na ang qualification ng drivers. Dahil nga ‘pag may emergency, mabilis ang takbo ng mga sasakyan at baka makaaksidente,” saad ni Abalos.

“If it is possible, dapat may seminar at exams sa emergency driving. Ang importante ay i-review nang maayos ang present guidelines,” dagdag pa niya.

Nahaharap ang nakasagasang firetruck driver na si Rodolfo Pineda sa mga kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injuries at damage to property. (IS)

See Related Story Here:

Benhur Abalos, Mark Lapid nanumpa na sa harap ni Duterte

TELETABLOID

Follow Abante News on