WebClick Tracer

DepEd pondohan para sa certificate ng senior high graduates – Cayetano

Hinikayat Senador Alan Peter Cayetano ang Department of Budget and Management (DBM) na bigyan ng pondo ang Department of Education (DepEd) para makapag-imprenta at makapagbigay ito ng certificate sa mga senior high school student na nakapagtapos ng technical-vocational courses para makahanap ang mga ito ng trabaho.

“Ang promise noon[g ginagawa pa lang ang K-12], the TESDA certification will be passed to the DepEd kasi DepEd doesn’t have the money to buy the equipment but TESDA does have that. And somehow hindi natupad,” wika ni Cayetano sa ikalawang briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) noong August 16 sa Senado para sa panukalang National Budget para sa 2024.

Ayon sa senadora, taun-taon naman ay nadadagdagan ng isang bilyong piso ang pondo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), kaya pwedeng maglaan din ng katulad na halaga sa DepEd.

“Siguro ngayong taon ilipat natin yung 1 bilyong pang-certification,” ani Cayetano sa DBCC at mga kapwa senador.

Sumang-ayon naman kay Cayetano sina Senator Win Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, at Senador Juan Edgardo Angara, chairperson ng Senate Committee on Finance.

Sinabi ni Angara na simula pa nang ipatupad ang K-12 curriculum ay walang pondong nailaan sa DepEd para sa certification ng vocational graduates.

“We gave our graduates that false promise that they will find work, but the truth is that they will not unless they have that certification,” wika niya.

Samantala, hinimok ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pamahalaan na paigtingin pa ang mga programa para ma-reskill at ma-upskill ang mga Pilipino upang mabigyan sila ng mas malawak na oportunidad sa trabaho.

Sa briefing ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) para sa panukalang 2024 budget, winelcome ni Villanueva ang P9.18 bilyong alokasyon para sa mga programang makakatulong para madagdagan ang trabaho sa bansa.

Kabilang dito ang Government Internship Program, Special Program for Students, Jobstart Philippines, Supporting Innovation in the Philippine Technical and Vocational Education and Training System, Special Training for Employment Program, Training for Work Scholarship Program at Tulong Trabaho Scholarship Program.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), may malaking mismatch o hindi tugma ang skills ng mga school graduates sa mga oportunidad sa trabaho sa fast-evolving sectors na nauugnay sa digital technology at green economy.

Binigyang-diin din ng NEDA na kailangang matiyak ang employability ng mga manggagawa, lalo na ang pagbuo ng oportunidad para sa de-kalidad na mga trabaho.

Ang upskilling ay pagdagdag o pagtaas na kasanayan o kahusayan ng isang manggagawa habang ang reskilling ay may kinalaman sa muling pagsasanay ng isang manggagawa sa bagong larangan. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Paglipat sa DOF ng income category ng mga LGU, ‘constitutional’ – Cayetano

TELETABLOID

Follow Abante News on