WebClick Tracer

DBM nagpaliwanag kung bakit hindi pa nai-release ang fuel subsidy para sa mga PUV

Nagpaliwanag ang Department of Budget and Management (DBM) kung bakit hindi pa naipapalabas ngayong Agosto ang fuel subsidy para sa mga tsuper at operators ng public utility vehicles (PUVs).

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, kailangan muna ang implementing guidelines para sa panibagong fuel subsidy.

Kailangan aniyang magsumite ang Department of Transportation (DOTr) ng Joint Memorandum Circular para sa taong 2023 kasama na ang Memorandum of Agreement (MOA) para maproseso ang identification at validation ng mga benepisyaryo.

“For the Fuel Subsidy to be released, DOTr must submit the Joint Memorandum Circular (JMC) for FY 2023, as well as its accompanying MOA, that would set the process for the identification and validation of beneficiaries,” saad ni Pangandaman.

Iba aniya ang guidelines ng fuel subsidy noong 2022 na nakalagay 2022 General Appropriations Act na para lang sa nabanggit na taon na pinaglaanan ng P2.5 billion.

Ngayong 2023, ani Pangandaman ay mayroong P3 billion na inilaan para sa fuel subsidy na maipapalabas lamang kapag natugunan ng DOTr ang kinakailangang requirements. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Fuel subsidy sa mga PUV tuloy sa 2024 – DBM

TELETABLOID

Follow Abante News on