WebClick Tracer

College teacher tinadtad ng saksak sa Negros Occidental

Natagpuang tadtad ng saksak ang isang 51-anyos na guro sa Barangay San Pedro, Binalbagan, Negros Occidental noong Miyerkules, Agosto 16.

Kinilala ang biktimang si Tony Lazaga, ng Binalbagan Catholic College, residente ng Barangay 34 sa Bacolod City pero pansamantalang naninirahan sa Binalbagan.

Ayon sa ulat, galing ng birthday sa Bacolod ang guro at tila sinundan ng suspek nang dumating sa Binalbagan.

Narekober sa crime scene ang dalawang kutsilyo, na ang isa ay may bahid pa ng dugo, isang tsinelas at sirang payong.

See Related Story Here:

Ayala Corp binili ang National Teachers College

TELETABLOID

Follow Abante News on