WebClick Tracer

Britney Spears dini-divorce ng mister

Makalipas lamang ang mahigit isang taong pagsasama, nag-file umano ng divorce ang mister ni Britney Spears na si Sam Asghari, isang actor-fitness trainer.

Ikinasal lamang ang dalawa noong June 2022.

Ayon sa ulat ng TMZ, “irreconcilable differences” ang sinabing dahilan ng pagpa-file ni Asghari ng divorce laban kay Spears.

May source naman ang TMZ na nagsabing nag-cheat ang “Baby One More Time” singer kaya nagdesisyon si Asghari na idiborsiyo ang una.

Iniulat din ng TMZ na tinukoy ng 29-anyos na aktor na Hulyo 28 ang petsa ng kanilang paghihiwalay.

Humihirit din daw si Asghari ng “spousal support and attorneys fees”.

Iko-contest din daw ni Asghari ang kanilang prenup.

Batay sa prenup, anumang pera o ari-arian na mayroon si Spears bago sila ikasal ay walang mapupunta kay Asghari.

Sa gitna naman ng mga ulat na paghihiwalay nila, tila dedma si Spears at nag-post sa Instagram nitong August 17 ng litrato niya habang nakasakay ng kabayo.

“Buying a horse soon!!! So many options it’s kinda hard!!! A horse called Sophie and another called Roar??? I can’t make up my mind!!! Should I join the camaraderie and put a pink cowboy hat on??? Either way I think I found my sweet spot with Roar,” saad niya sa caption. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on