WebClick Tracer

Bebot dedo matapos habulin ang tuta na nasa bubong

Patay ang 28 taong gulang na babae sa Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City matapos nitong mahulog sa ilog habang hinahabol ang isang tuta na nasa bubong.

Ayon sa purok leader ng nasabing barangay na si Nester Patron, Miyerkoles ng gabi nang makakuha sila ng tawag na may nahulog sa ilog na isang babae mula sa bubong ng kaniyang inuupahang bahay.

Nag-away umano ang babae at ang kinakasama nito at inilagay ang tuta sa bubong. Sinubukan naman umano ng babae na habulin ang tuta ngunit nadulas ito sa bubong.

Ayon sa ilang residente na tumulong sa rescue operation, inabot pa umano ng mahigit sa isang oras ang paghahanap sa babae dahil sa malalim na tubig ng ilog.

Isinugod pa sa ospital ang babae ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ng Caloocan City Police ang insidente.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on