WebClick Tracer

Bagong uri ng ahas pinangalan sa sikat na Hollywood actor

Ipinangalan ng mga scientist sa Peru ang natuklasang bagong species ng ahas sa “Indiana Jones” actor.

Harrison Ford ang ipinangalan sa ahas na may 16 pulgada ang haba, yellowish-brown ang kulay na may black spots, black belly at copper eyes.

Nadiskubre ito ng team ng US-German biologist na si Edgar Lehr noong May 2022 sa jungle mountains ng Otishi National Park.

Isinunod sa aktor ang pangalan ng ahas, na Tachymenoides harrisonfordi ang scientific name, bilang pagkilala sa suporta niya sa conservation work. (IS)

See Related Story Here:

‘The Ballad of Songbirds & Snakes’: The Hunger Games may bagong inilabas na poster

TELETABLOID

Follow Abante News on