WebClick Tracer

Away nina Kyline, Cassy dahil kay Darren Espanto?

Si Darren Espanto diumano ang dahilan kaya in-unfollow nina Kyline Alcantara at Cassy Legaspi ang isa’t isa.

“May kuwentong kumakalat na nagsalita daw itong si Kyline laban kay Darren Espanto,” saad ni Cristy Fermin sa “Cristy Ferminute”.

“Parang nagsalita raw ng against kay Darren itong si Kyline. Ito kasing si Kyline ‘di ba matagal nang napapabalita ang kamalditahan ng batang ito,” dagdag pa niya.

Rumored boyfriend ni Cassy si Darren habang si Kyline naman ang sinasabing girlfriend ng kakambal ng una na si Mavy Legaspi.

“Heto ang nakalulungkot, baka ‘yung kambal ang mag-away dahil sa isyung ito,” saad pa ng batikang manunulat. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on