WebClick Tracer

2 kaso ni Jay Sonza, ibinasura ng 2 korte sa Quezon City

Ibinasura ng dalawang korte sa Quezon City ang dalawang kaso ng dating newscaster na si Jay Sonza.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jayrex Bustinera, dinismiss ng QC RTC Branch 100 ang reklamong syndicated at large scale illegal recruitment laban kay Sonza.

Sa QC RTC Branch 215 naman ay dinismiss ang estafa na isinampa laban kay Sonza.

Samantala, hindi pa naman makakalabas ng Quezon City Jail si Sonza dahil sa panibagong commitment order na inilabas ng QC RTC Branch 77 kaugnay sa kasong libel na isinampa laban sa kaniya.

(CS)

See Related Story Here:

Mga fan ni Julia Barretto nagbunyi sa pag-aresto kay Jay Sonza

TELETABLOID

Follow Abante News on