WebClick Tracer

Water cannon, laser-pointing gawing ‘ground’ para igiit ang MDT – Bato

Nais ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na isama ang paggamit ng water cannon at laser-pointing sa listahan ng mga “non-conventional threat” kung saan maaaring igiit ang Mutual Defense Treaty (MDT) ng Pilipinas sa United States.

Ginawa ni Dela Rosa ang mungkahi sa pagdinig ng Senate foreign relations sa resolusyong tungkol sa update at pag-amiyenda ng 1951 treaty sa Amerkia.

“Hindi ba puwede natin idagdag d’yan ‘yung…pag-water cannon? Alam natin it does not constitute armed attack pero ang epekto niya sa ating mga Coast Guard na tatamaan, pag tinamaan ang Coast Guard natin, natumba, nahampas ang ulo doon sa sahig ng barko, patay pa rin ‘yon,” sabi ni Dela Rosa.

Noong Agosto 5, binomba ng China Coast Guard gamit ang water cannon ang apat na barko ng Philippine Coast Guard na nasa resupply mission sa Ayungin Shoal.

Sinabi naman ni Senadora Imee Marcos, chair ng komite, na nakalagay rin MDT guidelines ang cyberattacks at non-conventional threats.

“Ano yon? Non-conventional ba ang water cannon? Ayon ngayon dito sa bagong defense guidelines pati non-conventional covered. Tama ba ‘yung wording na nababasa ko?” tanong ni Marcos.

Paliwanag naman ni Foreign Affairs Assistant Secretary Jose Victor Chan Gonzaga, bagama’t nakasaaod ito sa MDT guidelines, kailangan pa rin umanong ito talakayin sa US counterpart.

“Yes, that appears in the bilateral guidelines, but I think there’s still a lot of discussion about the specific kinds of activities that would be considered as coming under that,” sabi ni Gonzaga sa mga senador. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on