WebClick Tracer

Villafuerte pinuri PBBM sa pagpondo sa dagdag pensyon ng seniors

Pinuri ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpondo sa dagdag pensyon ng mga mahihirap na senior citizens.

Ayon kay Villafuerte, halos nadoble ang pondo para sa indigent senior citizens (SPIC) program na nagkakahalaga ng P49.8 bilyon sa ilalim ng panukalang 2024 national budget.

“Given the still elevated inflation, the decision by President Marcos to double the P500 monthly stipend to P1,000, in keeping with RA 11916, will mean a bigger financial assistance for our indigent senior citizens who grapple with the ever spiraling cost of living,” sabi ni Villafuerte, isa sa may-akda ng batas.

Umaasa si Villafuerte na mahahanapan ng gobyerno ng pondo ang dagdag na pensyon ngayong taon.

“This dramatic increase in the annual outlay of the SPIC program means that far from ending up as a great but unfunded program, this 2022 law will actually spell greater financial relief for our indigent seniors who are in dire need of state subsidies to help them cope with incessantly soaring commodity prices and recover as quickly as possible from the economic scarring caused by the nearly three-year pandemic,” dagdag pa ng solon.

Ayon sa RA 11916, sinabi ni Villafuerte na itinaas ang buwanang pensyon ng mga senior citizen mula P500 at ginawang P1,000. (Billy Begas)

See Related Story Here:

COVID test hindi na kailangan sa mga 2023 Bar examinee

TELETABLOID

Follow Abante News on