WebClick Tracer

SC ibinasura counterclaim ng ABS-CBN vs Willie Revillame

Iniutos ng Korte Suprema (SC) ang pagbasura sa counterclaim ng ABS-CBN sa nakabinbing kaso laban sa dati nitong TV host na si Willie Revillame.

Inakusahan ng media giant si Revillame ng paglabag sa kontrata.

Pumabor kay Revillame ang naging desisyon ng Third Division, at binanggit ang naunang desisyon ng First Division na napatunayang guilty ang ABS-CBN sa “forum shopping”.

Ito ay tumutukoy sa paghahain ng dalawa o higit pang demanda sa magkakaibang korte, na humihiling sa kanila na magdesisyon sa pareho o magkakaugnay na mga dahilan upang mapataas ang tsansa na makakuha ng paborableng desisyon.

“This clearly shows that ABS-CBN willfully sought the same relief in two different fora, expecting a favorable result after being denied the first time,” pahayag ng SC Third Division.

Ipinag-utos ng korte sa Quezon City RTC na ipagpatuloy ang nakabinbing kasong sibil nang walang compulsory counterclaim ng ABS-CBN.

TELETABLOID

Follow Abante News on