WebClick Tracer

Reclamation projects, rehab projects sa Manila Bay kontrahan – DENR chief

Kontra umano ang ginagawang reclamation project sa Manila Bay sa mga proyekto ng gobyerno upang ma-rehabilitate ang bay.

Ito ang sinabi ni Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga sa pagdinig ng House Committee on Appropriations na dumidinig sa panukalang P5.768 trilyong budget para sa susunod na taon.

Ayon kay OFW party-list Rep. Marissa Magsino, ang magkakaibang proyekto sa Manila Bay nagdudulot ng kalituhan.

“Nakakalito po kasi yun pong ating project is to have clean water pero ang ginagawa po ng PRA (Philippine Reclamation Authority) ay sila po ay nagtatambak for the reclamation so parang contradicting po nahihilo po tayo. Ano po ba dapat ang gawin linisin, dumihan o tambakan ng kung anu-ano po ang tubig na ito?” tanong ni Magsino.

Inamin ni Yulo na ang 22 sinuspending Manila Bay reclamation projects ay kontra sa mga rehabilitation program sa bay.

“In our view, there is a contradiction between the reclamation and the rehabilitation of the bay,” sabi ni Yulo.

Binigyan-diin ng kalihim ang kahalagahan ng cumulative impact assessment upang makagawa ng hakbang laban sa magiging masamang epekto nito.

“Instead of evaluating each and every project proposal individually there will now be an effort to create a situation or a scenario where in all these reclamation projects will actually occur and what impact that would be in the baseline condition of Manila bay as we know it today,” dagdag ni Yulo.

Sinabi ni Yulo na inimbita sa cumulative assessment ang mga scientist na Pilipino at kukunin ang opinyon ng mga foreign experts. (Billy Begas)

See Related Story Here:

DOLE tutulungan manggagawang naapektuhan ng suspensiyon ng Manila Bay reclamation projects

TELETABLOID

Follow Abante News on