WebClick Tracer

Presyo ng bigas mahigpit na pinamomonitor ni PBBM, rice hoarders mananagot

Pinakilos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na bantayan ang presyo ng bigas sa iba’t ibang pamilihan sa bansa upang masigurong hindi magsasamantala ang mga negosyante lalo na ngayong hindi pa panahon ng tag-ani.

Winarningan din ng Presidente ang mga hoarder at mga nagmamanipula sa presyo ng bigas na mananagot ang mga ito sa batas.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na sapat ang supply ng bigas, gayunman ay hindi pare-pareho ang presyo nito sa pamilihan.

Tiniyak ng Presidente na nakikipagtulungan ang gobyerno sa pribadong sektor upang mapababa ang presyo nito.

“Rice supply is sufficient. Prices are, however very variable. The government is working with the private sector to rationalize the prices and make available affordable rice in the market and Kadiwa,” saad ng Pangulo.

Batay sa report ng DA sa Pangulo, iba-iba ang presyo ng bigas na ibinebenta ng retailers na mula P38- P40 at mayroon pang umaabot sa P50 depende sa klase ng bigas. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

PBBM sinuspinde pasok sa Metro Manila, Bulacan dahil sa FIBA World Cup

TELETABLOID

Follow Abante News on