WebClick Tracer

PPA bubuksan unang foreign cruise terminal sa Pilipinas

Nitong Oktubre papasinayahan na ang kauna-unahang foreign cruise terminal sa buong Pilipinas.

Matatagpuan ito sa Siargao Island, ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago.

“Ngayong Oktubre po papasinayahan po natin ‘yong kauna-unahang dedicated po, exclusive na foreign cruise terminal sa buong Pilipinas at ‘yan po ay sa Siargao Island po dahil kinikilala po natin ang importansya ng Siargao bilang isang main tourist destination po sa ating bayan,” lahad ni Santiago sa isang panayam.

Ani Santiago, target nila na magkaroon ng 12 milyong passenger arrival kada taon hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos.

“Sa ngayon po ang sa atin pagtatala between 3.7 to 4.2 million pa lamang po tayo at nakikita naman po natin na kung iaasa po natin sa airport arrivals lamang po doon sa mga by air transport ay baka mahirapan po na ma-achieve ‘yong 12 million,” sambit niya.

“So, what we are trying to do is gusto po nating magbukas pa po ng ibang gateway port or ng ibang access ports na diretso na po sa mga tourist destination po natin para ma-achieve po natin ‘yong 12 million passenger arrivals annually by 2028,” patuloy pa niya.

Maliban sa Siargao, target din aniya ng PPA na magkaroon ng foreign cruise terminal sa Coron, Palawan, na sinimulan na ang groundbreaking noong Hunyo.

Plano rin daw nilang magtayo ng cruise terminal sa Boracay at naghahanap na sila ng ideal na lokasyon para rito, gayundin sa Camiguin. (IS)

See Related Story Here:

GM Santiago pinu-push online ticketing sa PPA

TELETABLOID

Follow Abante News on