WebClick Tracer

PBBM nakamonitor sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Hawaii wildfire

Nakasubaybay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sitwasyon ng mga Pilipinong apektado ng wildfire sa Maui, Hawaii.

Sa pahayag ng Pangulo sa kanyang social media account, sinabi nitong inaalam na ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) ang bilang ng mga Pilipinong apektado ng wildfire.

Tiniyak naman ng Pangulo ang kahandaan ng gobyerno na tulungan ang mga apektadong Pilipino sa pamamagitan ng Consulate Office sa Honolulu.

” Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Philippine Consulate sa Hawaii sa mga lokal na awtoridad at Filipino community sa anumang impormasyon patungkol sa insidente,” anang Pangulo.

Hinikayat ng Presidente ang mga Pilipino na humingi ng tulong sa pamamagitan ng 24/7 emergency hotline +1808253-9446 o sa pamamagitan ng email ng konsulada na honolulu.pcg@dfa.gov.ph.

Hanggang ngayon ay wala pa ring pahayag ang mga opisyal ng gobyerno sa Hawaii sa eksaktong bilang ng mga Pilipinong naapektuhan sa wildfire at kung mayroon bang mga nadamay o nasugatan sa nangyaring kalamidad. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on