WebClick Tracer

P16.5 billion inilaan sa taas-sahod ng mga kawani ng gobyerno sa 2024 NEP

May aasahang taas-sahod ang mga kawani ng gobyerno sa susunod na taon.

Naglaan ang Department of Budget and Management ng P16.95 bilyong piso para sa inisyal na pagtataas sa sahod ng mga kawani ng gobyerno sa 2024 National Expenditure Program (NEP) sa ilalim ng miscellaneous personnel benefits fund o MBPF.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na kapag naaprubahan ang NEP ay magiging compensation packages ito sa mga kawani ng gobyerno sa susunod na taon.

Ang nabanggit n pondo aniya ang magdedetermina sa halaga ng posibleng dagdag-sahod sa pagitan ng 2-8 percent sa buwanang basic salary ng iba’t ibang posisyon sa national government.

“We have alloted P16.5 million in the FY 2024 MPBF to support the compensation adjustment that may be pursued starting next year,” saad ni Pangandaman.

Naibigay na ng gobyerno ang huling tranch ng salary increase nitong Enero sa ilalim ng Salary Standardization Law of 2019.

Sinabi ni Pangandaman na ang inaasahang dagdag-sahod ay upang mahikayat ang publiko na magtrabaho sa gobyerno at upang maging inspirado ang mga kasalukuyang kawani na manatili sa gobyerno at magtrabaho ng maayos.

Naglaan din ang DBM ng P1.368 billion sa 2024 NEP para pondohan ang dagdag na P1,000 uniform at clothing allowance ng mahigit 1.3 milyong kawani ng pamahalaan. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

DBM: Taas sahod ng mga gov’t worker may nakatabi nang pondo

TELETABLOID

Follow Abante News on