WebClick Tracer

Netizens naantig sa ‘E.A.T.’ senior citizen contestant na hindi dinadalaw ng mga anak

Naantig ang mga netizen sa isang 73-anyos na contestant sa “E.A.T.” na mag-isa na lamang namumuhay matapos mamatay ang kanyang asawa.

Ani Mommy Angie, tatlong taon na siyang mag-isa kahit may dalawa siyang anak.

May kanya-kanya na raw kasing pamilya ang mga anak niya at ayaw naman niyang makitira sa mga ito.

“I think, I have to be alone. Kasi ayaw ko namang tumira sa mga anak kasi may mga manugang ‘yun so baka mapagbintangan pa akong alam mo na ‘yun,” kuwento ni Mommy Angie.

Hinaing niya, hindi siya madalas nadadalaw ng mga anak.

“Sabi ko nga, kami yata mga pa-raffle na lang… Feeling ko pagkatulad namin na parang kaya namin, parang ‘Umm kaya naman ‘yan ni Mama.’ Siyempre, emotional ako,” saad ni Angie.

“Busy sila, parang ‘Ano ba! May mga sasakyan naman kayo ba’t hindi n’yo ako madalaw. Nakakapunta kayo kung saan-saan, bakit ako dito lang. ‘Yung lumalabas kayo parang hindi ako maalala but, hindi naman kasi ako mukhang kawawa kaya binabalewala na lang nila ako’. Feeling ko lang po ‘yun,” dagdag pa niya.

Maging ang pagpunta raw niya sa “E.A.T.” ay hindi alam ng kanyang mga anak.

“Actually, hindi alam ng mga anak na nandito ako. Ang nakakaalam lang ‘yung kaibigan namin. They called up last night. Hindi talaga ako nagpaalam na nandito ako.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on