WebClick Tracer

LRT1 half day lang sa Agosto 20

Inanunsyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na half day lang sa Agosto 20, Linggo, ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1).

Walang biyahe ang LRT1 mula 4:30 ng umaga hanggang 11:59 ng umaga.

Magsisimula ang biyahe ng 12 noon. Ang nasabing tigil-operasyon ay para sa signalling system upgrade sa buong linya.

Ang huling tren na mula sa LRT1 Baclaran Station ay aalis ng 9:30 pm habang sa LRT Roosevelt Station ay aalis ng 9:45 ng gabi.

(CS)

See Related Story Here:

Sobrang traffic! MMDA sinampolan construction company sa LRT-1 extension project

TELETABLOID

Follow Abante News on