WebClick Tracer

Locsin ginawang special envoy sa China

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Ambassador Teodoro Locsin Jr. bilang Special Envoy for Special Concerns sa People’s Republic of China.

Inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) ang anunsiyo sa bagong appointment ni Locsin ngayong Miyerkules.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil, mananatili sa kanyang kasalukuyang posisyon si Locsin bilang Philippine Ambassador to the United Kingdom at Ireland, at dagdag lamang ang bagong appointment nito para maging special envoy to China para sa special concerns.

Si Locsin ang dating kalihim ng Department of Foreign Affairs sa ilalim ng Duterte Administration at matapang sa pagharap sa mga usaping may kinalaman sa panlabas na isyu ng bansa.

Nitong nakalipas na linggo ay naging mainit ang debate ng mga mambabatas at iba’t ibang sektor dahil sa patuloy na panggigipit ng China Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Teddy Boy Locsin nagwala sa rally: Bugbugin niyo ako!

TELETABLOID

Follow Abante News on