WebClick Tracer

Kulang kasi sa energy! Kristel Fulgar tsinugi bilang host sa Seo In Guk fan meet

Naiyak si Kristel Fulgar nang magkuwento tungkol sa pagtanggal sa kanya bilang host ng kauna-unahang fan meet sa Pilipinas ni Korean actor-singer Seo In Guk.

Inihayag niya ang dahilan kung bakit biglaan siyang inalis bilang host at ipinalit sa kanya ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Karen Bordador.

Sey ni Kristel sa kanyang vlog, ang Korean director ng fan meet ang nagdesisyong palitan siya dahil nakulangan daw ito sa energy niya noong rehearsal niya.

Nagulat daw si Kristel dahil matagal niya itong pinaghandaan at hindi talaga siya tumanggap ng ibang raket dahil dito.

“First time kong naka-experience ng ganitong scenario sa twenty years ko sa industriya ng entertainment.

“Nandito na ako ng 7AM, nag-rehearse, and then eventually sinabihan ako nung director na hindi na raw ako ‘yung magho-host.

“Parang, ‘Huh, sandali lang naman anong nangyari?’ Matagal ko ‘tong pinrepare, matagal kong pinrepare ‘yung sarili ko dito.

“Wala akong ibang tinanggap na hosting kundi itong event na ito kasi nga para kay Seo In Guk.

“Alam ko na hindi naman ako super expert sa hosting pero alam ko na kaya kong kumonek sa mga kapwa ko fans ni Seo In Guk, kaya ayun talaga ‘yung pinakagusto ko.

“Eleven years akong fan ni Seo In Guk kaya kahit hindi ko forte ang hosting, tinanggap ko ‘to. Kasi tinitingnan ako as a representative ng mga fan ni Seo In Guk, hindi lang ako magiging host sa stage kundi magiging fan ako.

“Since rehearsal ‘yun hindi ako sanay na ibigay ang 100% ng energy ko. So kung nakulangan sila sa energy, dun sa rehearsal, sabi ko po, I will do my best. Nag-e-expect ako na ipapaakyat ulit ako sa stage para mapakita ko ‘yung 100 percent na sinasabi ko pero hindi na ako pinaakyat. And nag-contact na sila ng ibang host.”

Dagdag pa ni Kristel, hindi man lang daw siya binigyan ng second chance para patunayan ang kanyang sarili. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on