WebClick Tracer

Hontiveros: Panukalang 2024 budget, ‘unfit’ para ayusin ang economic crisis

Hindi umano akma ang panukalang national budget para sa 2024 para tugunan ang patuloy na economic crisis na kinakaharap ng mga Pilipino.

Ito ang sinabi ni Senadora Risa Hontiveros dahil binawasan umano ang pondo para sa mga programa na makakatulong sa mamamayan na naapektuhan ng mataas na presyo ng bilihin at kakulangan ng maayos kabuhayan.

“Hindi swak ang proposed budget sa kasalukuyang krisis. The rosy pictures being painted by the administration do not reflect the troubling reality being faced by Filipinos, especially those in marginalized sectors,” pahayag ni Hontiveros sa briefing Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Senado.

“Kabaliktaran sa hinaharap ng mga kababayan natin yung sinasabi na “better economic situation,” lalo na’t walang tigil ang pagtaas ng presyo ng bilihin at basic services,” dagdag pa niya.

Aniya, mismong ang mga economic manager ng administrasyon ang umaming ang inflation sa unang semester ay siyang dahilan ng pagbaba ng gross domestic product (GDP) growth.

Kasama na rin dito ang pagtaas sa presyo ng bigas at iba pang pagkain dahil sa baha, El Nino phenomenon at import limitation na ipinatutupad ng ASEA exporters, gayundin ang pagtaas gastos ng produktong petrolyo dahil sa Ukraine conflict.

Tinanong din ni Hontiveros ang mga opisyal ng DBCC kung naglatag na ba ng non-monetary measure ang gobyerno para mapababa ang presyo ng pagkain. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Hontiveros: Mga opisyal ng PAGCOR papanagutin sa hindi nakolektang P2.2B sa POGO

TELETABLOID

Follow Abante News on