WebClick Tracer

Hindi pabigat sa gobyerno: Budget ng PPA sariling sikap

Hindi umano kumukuha ng budget sa General Appropriation Act (GAA) ang Philippine Ports Authority (PPA).

Ani PPA General Manager Jay Santiago, ang ginagastos nila ay mula sa sarili nilang kita.

“Hindi po kami kumukuha sa GAA, hindi po tayo, ‘yon pong budget ng PPA ay internally generated po,” saad niya sa isang panayam.

“So, ang PPA po ang ginagastos lamang po niya ay mula din po sa sarili niyang kita. On top of the dibidendo po na binigay na sinusumite po. So, hindi po tayo nagde-derive kahit na anong suporta po mula sa General Appropriation Act,” dagdag pa niya.

Attach agency man daw sila ng Department of Transportation (DOTr) pero hindi sila kasama sa expenditure program ng DOTr.

“Ibig sabihin, ang PPA hindi pabigat sa gobyerno, kayo pa nagbibigay ng dibidendo?” tanong pa kay GM Santiago.

Tugon niya: “Ganoon nga po. In fact, tayo po ay maliban po doon after pong magastusan po ‘yong mga proyekto, ‘yon pong sobra pa po na kinita, ‘yan pa po ay ating itini-turnover pa pong dibidendo sa ating pamahalaan.” (IS)

See Related Story Here:

19 na karagdagang seaport projects, target ng PPA bago matapos ang 2023

TELETABLOID

Follow Abante News on