WebClick Tracer

Gobyerno naglaan ng P105.6 billion para sa SUCs sa susunod na taon

Upang magpatuloy ang programa para sa libreng edukasyon, naglaan ang gobyerno ng P105.6 billion para sa State Universities and Colleges (SUCs) sa 2024 National Expenditure Program.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, ang paglalaan ng malaking pondo para sa SUCs ay bilang tugon sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi lamang ang ekonomiya ang dapat na palakasin kundi pati na rin ang human capital development sa pamamagitan ng edukasyon, kalusugan at social protection.

Sa pamamagitan ng nabanggit na pondo ay makikinabang ang maraming mga kabataan sa libreng edukasyon.

“Access to quality education will also be at the forefront of the government’s education agenda through Universal Access to Quality Tertiary Education,” saad ni Pangandaman.

Ang panukalang pondo ay tumaas ng halos tatlong bilyong piso o P14.32 percent kumpara sa P18.8 billion budget ng SUCs ngayong 2023.

Sinabi ni Pangandaman na tatanggap din ang SUCs ng P3.4 billion para sa kanilang infrastructure projects.

Mula sa nabanggit na panukalang budget ay huhugutin ang P26 billion upang suportahan ang mga programa ng Commission on Higher Education (CHED) at P3.4 billion para sa Free Technical-Vocational Education and Training ng 38,179 na enrollees at 10,126 na graduates ng Technical Education and Skills Development Authority. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

PPA bubuksan unang foreign cruise terminal sa Pilipinas

TELETABLOID

Follow Abante News on