WebClick Tracer

Ekonomiya babagal kung ipatutupad P150 daily wage hike – NEDA chief

Nagbabala ang mga economic manager ng pamahalaan na babagal ang paglago ng ekonomiya sa oras na maging batas ang panukalang P150 legislated wage hike.

Sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), ipinaliwanag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, na bababa 0.2 hanggang 0.9 puntos ang gross domestic product (GDP) gayundin ang unemployment rate sa 0.3 hanggang 1.0 puntos kung magkakaroon ng P150 dagdag na suweldo sa pribadong sektor.

“If we address the problem of low incomes by raising the wages by legislative (measures), then these other factors that are required by investors to come will happen much later,” pahayag ni Balisican sa pagdinig.

Nauna nang sinabi ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na tuloy ang pagsusulong niya ng P150 across the board legislated wage hike sa kabila inaprubahang P40 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Inihayag ng NEDA na 4.3% ang naitalang economic growth sa second quarter ng taong ito, mas mababa sa 6.4% sa unang quarter at 7.5% sa katulad ding quarter noong nagdaang taon.

Samantala, 4.7% naman ang inflation nitong Hulyo, mas mababa sa 5.4% noong Hunyo at 6.4% noong Hulyo 2022 subalit mataas pa rin sa target range ng gobyerno na 2.0% hanggang 4.0%.

Kung magkakaroon ng P140 wage increase sinabi ni Finance Secretary na madagdagan ang inflation ng 1.4 percentage points. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Gobyerno mas palalakasin ang mga aksyon para mapanatili ang momentum sa paglago ng ekonomiya

TELETABLOID

Follow Abante News on