WebClick Tracer

DTI chief sa pagtaas ng presyo ng bigas: ‘Mag-diet’

Pinayuhan ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang mga Pilipino na mag-diet sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

Ani Pascual, dapat mag-adjust ang mga Pinoy sa kanilang diet.

“Our diet is very traditional. We are used to eating rice…,” aniya sa Kapihan sa Manila Bay forum nitong Miyerkules.

Sinabi rin ng Trade chief na maaaring gawing alternatibo ang pagkain ng kamote o kamoteng kahoy at mais.

Sa ngayon ay umaabot na sa P50 kada kilo ang bigas. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on