WebClick Tracer

Defense sector buhusan ng mas malaking pondo – Bato

Nanawagan si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Department of Budget and Management (DBM) na dagdagan ang pondo ng defense sector sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP).

“Defense pinaka-kawawa. Pinakamaliit 4.9 percent,” pahayag ni Dela Rosa, kaugnay ng distribusyon ng panukalang P5.768 trilyong national budget sa susunod na taon sa iba’t ibang sektor.

Sa datos ng DBM, ang social services ang may pinakamalaking alokasyon sa panukalang pambansang badyet na P2.182 trilyon o 37.9 porsiyento.

Sinundan ito ng economic services na may P1.709 trilyon o 29.7%, general public services (P893.3 bilyon o 15.5%, debt services na may P699.2 bilyon o 12.1% at defense na P282.7 bilyon o 4.9% lamang.

“If I were the President and I asked the economic team to take the .9 percent from the social [services] sector and transfer it to the defense sector, would you do it?” tanong ni Dela Rosa sa mga economic manager ng gobyerno.

Sagot naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno, pwede naman umano itong mangyari kung magiging Presidente si Dela Rosa.

Giit naman ni Dela Rosa, “Hintayin natin maging President ako. Wala akong pangarap na maging Presidente.

Subalit sabi ni Diokno, kung maging Presidente si Dela Rosa, ipaliliwang nito sa kanya ang kahalagahan ng pondo para sa social protection.

“If you were President, it can be done pero ipapaliwanag ko rin na big part are the young ones. We have to educate them and provide health care and social protection and develop time to productive workforce,” sabi ni Diokno.

“In an ageing world, importante sa atin we will argue that we should continue to provide social services. But since you are the President, I will do my best to comply,” sambit pa ng kalihim. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Bato may solusyon sa utang ng Pilipinas: Mag-anak pa kayo!

TELETABLOID

Follow Abante News on