WebClick Tracer

Dahil sa kalasingan: Mga empleyado nambaboy ng resort

Viral ngayon ang mga video ng ginawang pambababoy ng mga empleyadong nag-outing sa isang pool resort sa Calamba, Laguna nitong Lunes, Agosto 14.

Sa trending videos, makikita ang apat na lalaki na pinagtatapon sa pool ang mga kagamitan sa resort kabilang na ang mga upuan, lamesa, water dispenser at iba pang equipment.

Makikita rin ang mga kalat na iniwan ng naturang mga empleyado sa resort.

Puno rin ng suka ang lababo ng banyo ng resort.

Matapos nito’y makikita pang nakatawa habang paalis ang grupo.

Sinubukan pa umano ng mga itong i-refund ang P1,000 na security deposit nila pero nang sabihin ng caretaker na titingnan muna ang resort ay humarurot na paalis ang mga lalaki sakay ng kani-kanilang motorsiklo.

Dismayado naman ang isa sa may-ari ng Jeremias Triplex Resort sa ginawa ng kanyang mga guest.

Ayon kay Desiree Manalang, “Sayang saya kayo habang yung isa nmen business partner lumalaban sa cancer at namomobelma san kukuha pambayad ng gamot! Nakakalungkot isipin!! I just don’t know how these people lives with hatreds and I could even imgne how these people treat others as well based on their actions in the video. Nkaawa at nkakapanlumo.”

Sa panayam sa Frontline Pilipinas, inamin ng ilang lalaki na napagtripan lamang nila ang resort dahil sa kalasingan. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on