WebClick Tracer

Dagdagan intel fund ng PH Coast Guard – Escudero

Itutulak ni Senador Francis “Chiz” Escudero na madagdagan ang intelligence fund ng Philippine Coast Guard (PCG) sa panukalang 2024 national budget para lalo pang mapagbuti ang pagdepensa sa territorial water ng bansa.

Ayon kay Escudero, hindi umano sapat at hindi pa rin nadagdagan ang P10 milyong intelligence fund ng Coast Guard sapul pa noong 2009.

“I will look into the fact if we can augment—not from the Capital Outlays, Personnel Services or from the Maintenance and Other Operating Expenses—but from the intelligence and confidential budget already proposed by the DBM (Department of Budget and Management),” sabi ni Escudero sa panayam sa ANC.

Naglaan ang DBM ng panukalang P4.3 bilyong halaga ng confidential and intelligence funds (CIFs) sa ilalim ng panukalang P5.768-trillion national budget para sa susunod na taon.

PInasalamatan naman ni Escudero ang mga kapwa senador na pumabor sa kanyang panukala na dagdagan ang intel fund ng Coast Guard.

“I will put it in the budget as a cover. Sen Jinggoy (Estrada) said it might not be enough and I said ‘I would have been happy with the P100-million but if you want to increase it, you have my blessing’,” ani Escudero. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on