WebClick Tracer

Ban sa mga Chinese contractor may epekto sa gov’t projects – Diokno

Maaapektuhan umano ang ilang mga proyekto ng gobyerno kung iba-ban ang mga Chinese contractor sa Pilipinas, ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

“In case a decision is made to ban Chinese contractors from participating in pipeline projects of the national government, it may have the following potential effects,” pahayag ni Diokno sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Halimbawa aniya dito ang implementasyon ng Official Development Assistance projects at mga proyektong proyektong pinondohan ng Asian Development Bank, Asian Infrastructure Investment Bank at World Bank.

Maliban diyan, maapektuhan din locally-funded projects at maging ang Public-Private Partnership (PPP) lalo na kung ang pangunahing contractor, supplier o subcontractor ay Chinese firm o Chinese nationals

“Potential impact on the economy for possible delays in the projects that will be affected and of course we have to shift to the financing for those projects that have been requested from China,” paliwanag ni Diokno.

“Because of the huge list or the long list of infrastructure projects that we want to do, we’re running out of workers in the Philippines, I think you’ll agree with me. We’re running out of — also the private sector workers. And we need foreign workers, maybe Indian workers, Chinese workers,” dagdag pa niya.

Una rito, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na walang katuturan na nagbibigay ang gobyerno ng bilyong piso na halaga ng proyekto sa mga Chinese state-owned contractors gayong ang pondo na ibinayad ng bansa ay ginagamit naman pala sa pagtatayo ng mga imprastraktura at pagsasagawa ng mga aktibidad sa West Philippine Sea.

“It makes no sense for us to give billions of pesos to a Chinese contractor state-owned, who will bring the profits back to China and that profit, because it’s state-owned, will go back to fund their different activities in the West Philippine Sea,” ani Zubiri.

“Parang niluluto natin yung sarili sa sariling mantika, ika nga,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Benjamin Diokno swak sa gabinete ni Marcos Jr

TELETABLOID

Follow Abante News on