WebClick Tracer

Awra Briguela sinampahan ng 3 karagdagang kaso

Sinampahan ng tatlong karagdagang kaso ang komedyanteng si Awra Briguela. Ang komedyante ay sinampahan ng kasong light threats, grave coercion at paglabag sa Safe Spaces Act.

Matatandaang noong Hunyo ay nasangkot sa isang rambulan sa isang bar sa Poblacion, Makati ang nasabing komedyante. Inaresto pa ito ng mga awtoridad ngunit nakapagpiyansa rin.

Kamakailan lang ay nagparamdam naman sa social media si Awra kung saan ibinida nito ang kaniyang paparating na series na ‘Comedy Island Philippines’, kung saan makakasama nito sina Andrea Brillantes, Carlo Aquino, Rufa Mae Quinto, Jerald Napoles at Drew Arellano.

(CS)

See Related Story Here:

Awra Briguela nagparamdam na, ibinida ang paparating na series

TELETABLOID

Follow Abante News on