WebClick Tracer

19 na karagdagang seaport projects, target ng PPA bago matapos ang 2023

PPA

Target ng Philippine Ports Authority (PPA) na magdagdag pa ng 19 na seaport projects bago matapos ang 2023.

Kabilang sa 19 seaport infrastructure projects ng PPA na matatapos sa Disyembre ngayong taon ay ang 11 na proyekto mula sa Luzon, 4 sa Visayas at 4 sa Mindanao.

Makakaasa rin ang publiko ng kaginhawaan at makakaranas ng improved cargo handling sa pag-upgrade ng general cargo berth sa Port of Sasa sa Davao City, na umabot sa P902 milyon, na siyang highest funded project sa 19 na matatapos.

Sumunod naman ang P693 milyong konstruksyon ng wharf at port operational area na may patuloy na RoRo ramp sa Port of Catagbacan sa Bohol. Nakatakda ring matapos ang pagtatayo ng kauna-unahang dedicated cruise ship terminal sa bansa sa Jubang Port sa Surigao del Norte.

“We remain optimistic that we are continuously evolving to be at par with countries observing the highest level of port standards around the world, we already made it as one of the strongest ports in Southeast Asia as of 2023. Here in PPA, we continue to participate in economic globalization by advancing infrastructure development through building high quality ports”, ayon kay PPA General Manager Jay Santiago.

Kabilang din sa karagdagang 19 seaport projects ang rehabilitasyon ng Claveria Port, konstruksyon ng PPA-PCG K9 academy, Puerto Galera port expansion project at Balingoan port expansion project sa Misamis Oriental.

(CS)

See Related Story Here:

PPA bubuksan unang foreign cruise terminal sa Pilipinas

TELETABLOID

Follow Abante News on