WebClick Tracer

175 kilo ng basura nahakot sa ‘palit school supply’ sa Rizal, Bulacan

Napapanahon sa nalalapit na pasukan ang programa ng ilang paaralan sa Bulacan at Rizal.

Kabuuang 175 kilo ng basura ang nakolekta ng mahigit 400 estudyante sa San Juan Elementary School sa San Miguel, Bulacan; at Pinugay Elementary School sa Baras, Rizal.

Kapalit nito’y school supplies gaya ng mga lapis, krayola, notebook at iba pa, na sakto sa class opening sa Agosto 29.

Pinangunahan ng MGen Renewable Energy, Inc., ang renewable energy arm ng Meralco PowerGen Corporation, ang programang “Basura Palit Gamit Eskwela”.

Layon nito na itanim ang kamalayan sa kapaligiran at isulong ang recycling sa publiko, lalo na sa mga mag-aaral. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on