WebClick Tracer

Utang ng Pilipinas papalo sa P15T sa 2024 – Pimentel

May posibilidad na umabot pa sa P15 trilyon ang utang ng Pilipinas sa susunod na taon.

Sa budget briefing sa Senado, tinanong ng Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang mga economic manager kung bakit hindi dapat mag-alala ang mga Pilipino sa lumolobong utang gayong lumalaki rin ang dapat bayarang principal na utang at ang mga dapat pang bayaran.

“How come Filipinos should not worry about their ballooning debt? Ballooning na rin yung principal at debt payments and, yet, ballooning pa rin yung total amounts to be paid,” sabi ni Pimentel sa briefing ng Development Budget Coordination Committee sa panukalang P5.768 trilyong pondo para sa 2024.

Sa susunod na taon, maglalaan ang gobyerno ng P1.9 trilyon para sa debt principal at interest payment, kung saan P1.2 trilyon ay para sa principal at P670.5 bilyon para naman sa interest payments.

Sabi pa ni Pimentel, ang P1.9 triilyong acconts ay 32.94 porsiyento ng pondo para sa susunod na taon.

Umabot na sa P14 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong Mayo 2023 na may average interest rate ng 5%.

Sabi ng mga economic manager ng gobyerno, ang utang ng bansa ay katumbas sa 61% ng gross domestic product o GDP.

“Imagine yung households buried in debt. Ganyan kadelikado ang ating sitwasyon,” ayon kay Pimentel.

Ang kasalukuyang debt-to-GDP ratio ay 61% habang ang mga karatig bansa tulad ng Malaysia at Thailand ay 61.57% at Singapore 167% ang GDP.

“I take no consolation from debt-to-GDP ratio. The best proof that we are putting our debts to wise expenditures would be if we are able to bring down the absolute level of our debt,” giit ni Pimentel.

“I hope the actual financial situation of the country will be explained to the people,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on